Plantable Toothbrush | Stand for Truth

  • 2 years ago
Taun-taon, nasa 4.7 billion na mga plastic toothbrush ang napo-produce sa mundo. At 280 million sa mga ito, ginagamit ng mga Pilipino. Sa bawat isang tao naman, tinatayang 300 na plastic toothbrush ang nagagamit niya sa kanyang buong buhay.

Ang mga plastic toothbrush, ilan lang sa source ng plastic pollution. Dahil dito, naisipan ng social entrepreneur na si Mark Gersava na i-develop ang kauna-unahang plantable bamboo toothbrush sa mundo!

Ngayong 2021 nga, inilunsad nina Mark ang "1 billion mission", isang programang naglalayong i-eliminate ang isang bilyong plastic toothbrush sa 2030 at palitan ito ng environment-friendly alternatives tulad ng plantable toothbrush.

Paano sinimulan ni Mark ang plantable toothbrush at bakit ito mas kapaki-pakinabang sa lahat? Alamin sa dokumentaryo ni Lilian Tiburcio at bahagi ng #GENERATIONRESTORATION, isang digital documentary series ng Stand for Truth.

Recommended